Inaasahang dadagsa na naman ang mga local at foreign tourist sa Sagada Mt. Province ngayong undas.
Ayon kay Sagada Police Chief Inspector Domingo Gambican, 29 na police ang ipakakalat sa buong bayan kasama ang ilang force multiplier sa mga barangay.
Sa November 1, inaasahang aabot sa limang libong turista ang dadagsa dito upang tignan ang hanging coffins sa Echo Valley Park at Lumiang Burial Caves.
Ngayong sembreak, sinamantala na ng ilang mga turista na pasyalan ang kakaibang klase ng libingan ng mga taga Sagada.
Ayon pa kay Gambican, sa Biyernes ay isasailalim na sa red alert status ang buong Sagada.
Bawal din ang magpark mula Nangunugan to Junction hanggang Ambasing to Arkileng.
Bago makarating sa hanging coffins, madadaanan ang rock climbing at isang kweba na puno rin ng mga nakasalansan na kabaong.
Sa November 1 ay isasara muna sa mga turista ang Echo Valley Park upang bigyang-daan ang mga dadalaw na kaanak ng mga nakalibing dito.
( Grace Doctolero / UNTV Correspondent )
Tags: Sagada Mt. Province, Seguridad, Undas