Security Forces sa Basilan at kalapit lugar, naka-heightened alert na

by Radyo La Verdad | August 1, 2018 (Wednesday) | 9602

BASILAN, MINDANAO – Naka-heightened alert na ang ipinapatupad na seguridad hindi lamang sa Basilan kundi maging sa mga kalapit-lugar.  Kasunod ito ng pagsabog kahapon sa Barangay Colonia, Lamitan City, Basilan na ikinasawi ng labing-isa at ikinasugat ng walong pang iba.

Sa pahayag ni Lamitan City, Basilan Mayor Rosita Furigay, lubhang ikinalungkot nito ang insidente dahil ilang panahon nang maayos at mapayapa sa kanilang lugar.

Ipinag-utos ng alkalde ang pagpapaigting pa ng seguridad sa syudad at nakikiramay sa mga nasawi lalo na sa mga sibilyan.

Sa Zamboanga City naman ay agad na nagpatawag ng security meeting si Mayor Beng Climaco.

Bilang chairman ng Regional Peace and Order Council (RPOC) sa Region IX, inatasan nito ang pagpapaigting ng isinagawang checkpoints sa mga entry points at gayundin ang coastal at sea patrols.

Payo naman ng mga otoridad sa publiko na manatiling mahinahon at mapagmatiyag sa ganitong panahon.

 

( Dante Amento / UNTV Correspondent )

Tags: , ,