Securities and Exchange Commission, kinansela ang registration ng Rappler News Organization

by Radyo La Verdad | January 16, 2018 (Tuesday) | 3952

Paglabag sa isinasaad na probisyon sa konstitusyon hinggil sa pagmamay-ari at management ng mass media ang dahilan kung bakit pinawalang bisa ng Securities and Exchange Commission ang registration ng Rappler News Organization. Partikular na ang article 16, section 11 ng 1987 Philippine Constitution na nagsasaad na limitado lamang sa mga Pilipino ang ownership at management ng mass media.

Batay sa ginawang imbestigasyon ng SEC, nagmumula umano ang kanilang pondo sa Omidyar Network na ang founder ay ang negosyanteng si Pierre Omidyar.

Tinuligsa naman ng Rappler ang naging desisyon ng SEC at sinabing kauna-unahan ito sa kasaysayan komisyon at ng Philippine Media. Batay sa kanilang pahayag, consistent ang pagiging transparent, pagsunod sa regulasyon at pagsusumite ng Rappler ng mga requirement sa SEC.

Gagawin din ng Rappler ang lahat ng ligal na pamamaraan upang ikontesta ang desisyong ito at ipagpapatuloy din anila paglaban sa freedom of the press.

Umani naman ng kabi-kabilang reaksyon ang revocation ng registration ng Rappler.

Ayon naman sa National Union of Journalist in the Philippines, ang desisyong ito ng SEC ay isang halimbawa ng maraming banta ng Duterte administration sa media na kritikal sa kaniyang pamumuno.

Tinawagan din nito ang lahat ng Filipino journalists na magkaisa at pigilan ang lahat ng mga nagnanais na patahimikin sila.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,