Salary adjustments para sa mataas na incentives, allowance at bonus sa GOCC personel, sinuspinde na ni Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | August 1, 2017 (Tuesday) | 1670


Sa bisa ng Executive Order No. 36, sinuspinde muna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang compensation adjustments na nagbibigay ng mataas na incentives, allowance at bonus sa mga tauhan ng Government Owned and Controlled Corporations o GOCCs.

Kilala ito bilang Compensation and Position Classification System o CPCS sa GOCCs na iniatas ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang Executive Order No. 203 noong March 2016.

Pag-aaralan ito ng pamahalaan at alisin ang anumang labis at iligal na allowances, benepisyo at incentives sa GOCCs.

Lalo na at ilang GOCC ang nagsabing di umano kakayanin ng kanilang pondo ang mataas na compensation adjustments.

Sa ngayon, ang modified salary schedule sa ilalim ng Executive Order 201, series of 2016 ang pagbabatayan ng Salary Standardization Law-covered GOCCs.

Ang mga hindi naman sakop ng SSL ay maaaring panatilihin ang kanilang compensation framework o i-adopt din ang modified salary schedule gaya sa mga National Government Agency.

Handa naman ang Pag-IBIG Fund, isang GOCC, na sumunod sa kautusan ni Pangulong Duterte.

(Rosalie Coz / UNTV Correspodent)

Tags: , ,