Rep. Leni Robrero, hinihikayat ng ilang grupo na tumakbong Vice President sa 2016 elections

by Radyo La Verdad | August 12, 2015 (Wednesday) | 1176

KAYA NATIN
Inilunsad ngayong araw ng Kaya Natin Movement ang Leni Robredo for Vice President Movement upang hikayatin si Camarines Sur Rep. Leni Robredo na tumakbo bilang Bise Presidente sa 2016 National Elections.

Ayon kay dating Quezon Rep. Lorenzo Erin Tañada the third na isa sa mga miyembro ng Liberal Party, naghahanda na sila sakaling tumanggi si Se. Grace Poe sa alok ni DILG Sec. Mar Roxas na maging running mate nito.

Sakali naman aniyang pumayag si Sen Poe, isusulong na lamang nila si Rep. Robredo sa senado.

Paliwanag nito pareho namang national position ang Vice President at Senador kaya walang magiging problema sa mga susunod na araw.

Naniniwala naman ang grupo na sapat ang kakayahan ni Congresswoman Robredo upang maluklok sa national position kaya umaasa ang Kaya Natin Movement na sa pamamagitan nito ay ikukunsidera niya ang kanilang pagnanais na tumakbo ito sa mas mataas na posisyon.

Samantala nagpapasalamat naman si Robredo sa suporta ng grupo.

Ayon naman sa Malacañang, hindi pa nila seryosong ikono-konsidera si Robredo bilang running mate ni Sec. Roxas at patuloy nilang hinihintay ang magiging desisyon ni Sen. Poe sa kanilang alok. (Grace Poe/ UNTV News)

Tags: ,