Vice Presidentiable candidate ng Liberal Party posible nang ianunsyo bukas

by Radyo La Verdad | September 29, 2015 (Tuesday) | 2127

MAR-ROXAS
Magtitipon-tipon bukas ang mga opisyal at miyembro ng Liberal Party sa headquarters nito sa Balai Quezon City.

Dito inaasahan ng ipapahayag ng partido ang magiging running mate ng kandidato nito sa pagka-pangulo ng bansa na si Mar Roxas.

Matunog ang pangalan ni Camarines Sur Rep. Leni Robredo na magiging pambato ng LP sa pagka-bise presidente.

Bukod kay Robredo matunog din ang pangalan ni Senator Allan Peter Cayetano.

Humihiling si Robredo na bigyan pa ng mas mahabang oras na makapagisip at kung maari ay huwag siyang madaliin na magpasya.

Ayon sa kongresista wala pa siyang ipinangangako sa kahit kaninoman na tatakbo sa mas mataas na posisyon.

Muling inulit ni Robredo na isinasa-alang-alang pa rin niya ang kanyang mga anak na ayaw siyang kumandidato bilang Vice President.

Si Senator Allan Peter Cayetano ay nag-anunsyo na kakandidato bilang bise presidente sa Davao City martes ng umaga.

Siniguro naman ng LP na maglalagay ito ng kandidato sa pagka-bise president at hindi papayag na tumakbo si Roxas na walang ka-tandem.

Sa October 5, inaasahan na ianunsyo ng partido Liberal ang Senatorial ticket nito.

Ilan sa mga pangalan na una nang inihayag ng ruling liberal party ay sina dating Food Security Czar Sec. Kiko Pangilinan, Sen Franklin Drilon, Sen. TG Guinggona, Sen. Ralph Recto, Quezon City Mayor Herbert Bautista at DOJ Sec Leila de Lima. ( Grace Casin / UNTV News)

Tags: