Pagkakapanalo ni Sen. Poe sa disqualification case sa SET, patunay na hindi LP ang nasa likod nito – Rep. Leni Robredo

by Radyo La Verdad | November 20, 2015 (Friday) | 4562

LP
Marami ang natuwa sa pagkakapanalo Sen. Grace Poe sa disqualification case laban sa kanya sa Senate Electoral Tribunal, kabilang na ang ilan sa miyembro ng administration party.

Ayon kay LP Vice Presidental Candidate Camarines Sur Rep. Leni Robredo, patunay ito na hindi ang liberal party ang nasa likod ng mga disqualification case na isinasampa laban kay Poe.

Isa sa matibay na halimbawa ay ang pagboto ni Sen. Bam Aquino pabor sa senadora

Ayon kay Robredo, iginagalang nila ang naging desisyon ng mga miyembro ng SET para na rin sa mga batang inabandona ng mga magulang

Samantala, sinabi ni LP Senatorial Candidate Joel Villanueva na sa pagkapanalo ni Poe sa SET ay mas lalong magiging kapana-panabik ang 2016 elections

Ngunit sa huli aniya ay ang Korte Suprema ang may pinal na desisyon sa kaso ni Senator Poe. (Grace Casin/UNTV News)

Tags: , , ,