Manila, Philippines – Malapit ng mapirmahan ng executive committee ng Department of Health (DOH) ang kautusan na magtatakda ng regulasyon sa paggamit ng e- cigarettes sa bansa.
Ayon kay health regulation team Assistant Secretary Charade Mercado-Grande, posibleng sa susunod na Linggo mailalabas na ito.
Ang paglalabas ng regulasyon ay kasunod ng rekomendasyon ng World Health Organizaion Framework Convention on Tobacco Control o WHO FCTC na kailangang magkaroon ng regulasyon o ban sa paggamit ng e- cigarettes kapag napatunayang nagtataglay ang mga ito ng kemikal na kagaya ng matatagpuan sa sigarilyo na maaring magdulot ng kanser o iba pang sakit.
“There’s no total ban but more of regulation lang po muna iyong ating gagawin” ani Doh health regulation team Assisstant Secretary Charade Mercado- Grande.
Paliwanag ng doh, kailangan nilang masiyasat muna ang lahat ng uri ng kemikal na ginagamit sa vapes o e- cigarettes bago ito tuluyang ipagbawal sa merkado at sa publiko.
“I’ll check on the classification if it is considered as pharmaceutical or kung ano ang specific classification niya but but definitely anything na ipapasok natin sa katawan na tingin natin lalo na kapag may mga pag- aaral po na hindi ito maganda sa katawan e kailangan na protektahan po ng doh..” ani Doh health regulation team Assisstant Secretary Charade Mercado- Grande.
Nakikipag- ugnayan din aniya ang Department of Finance (DOF) sa kagawaran para sa pagpapataw ng buwis sa e- cigarettes.
Sa ngayon ayon kay Finance Department Under Secretary Karl Chua, hamon para sa kanila na likumin ang impormasyon kaugnay ng e- cigaretes dahil wala pang batas sa bansa ukol sa paggamit nito.
“As i have mentioned this is a less regulated market and unlike iyong cigarette na outside the factory may bir na nagbabantay. Kasi ang excixe works like this, paglabas ng factory pay tax. Ito kasi these are largely imported, so we are working to understand the market better..” ani Department Under Secretary Karl Chua.
Maghahain aniya ng proposal ang dof sa senado na maisama ang e-cigarette sa papatawan ng buwis at ang malilikom na pondo ay gagamitin sa universal health care program ng pamahalaan.
“Eventually we will see a shifting from traditional cigarette to the e- ciagrette and the moment we determine the health risk, we will of course propose the appropriate tax so i think the funding will continue..” ani Department Under Secretary Karl Chua.
(Aiko Miguel | Untv News)
Tags: Department of Finance, Department of Health, e-cigarettes