Refined sugar sapat ang suplay sa kabila ng pagsasara ng CAPDI – SRA

by Radyo La Verdad | March 5, 2024 (Tuesday) | 1684

METRO MANILA – Sinabi ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na sapat pa ang suplay ng refined sugar sa kabila ng pagsasara ng Central Azucarera Don Pedro Incorporated (CAPDI) sa Batangas noong February 28.

Ayon kay SRA Administrator Pablo Luis Azcona, umpisa pa lamang ng taong 2023 ay tumigil na ang operasyon ng CAPDI.

Dagdag pa ni Azcona na ipinatupad na ang pagpapanatili ng buffer stock ng asukal at sasapat na ngayong taon.

Samantala batay sa huling ulat ng Department of Agriculture nasa P72 hanggang P100 ang kada kilo ng refined sugar sa Metro Manila.

Nasa P68 hanggang P86 naman ang washed sugar habang nasa P65 hanggang P90 ang brown sugar.

Tags: ,