SRA, isusulong na lagyan ng SRP ang produktong asukal

by Radyo La Verdad | December 1, 2023 (Friday) | 4764

METRO MANILA – Isinusulong ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang paglalagay ng Suggested Retail Price (SRP) sa asukal.

Ito’y matapos na umaabot sa mahigit sa P100 ang presyo ng puting asukal sa mga pangunahing palengke sa Metro Manila.

Nabawasan anila ng P10 ang kada kilo ng farm gate price kaya kung susumahin ay nasa P80 hanggang P85 lamang dapat ang presyo ng puting asukal sa mga palengke.

Maaari namang tumulong ang Department of Trade and Industry (DTI) sa pagbabantay sa presyo pero ang Department of Agriculture (DA) parin ang maglalagay ng SRP.

Pabor naman ang Philippine Chamber of Agriculture and Food Incorporated sa paglalagay ng SRP sa asukal.

Tags: , , , ,