Manila, Philippines – Hinihintay na lamang dumating ang Dalawang Certificates of Canvass (COC) ng National Board of Canvassers (NBOC) upang matapos ang canvassing ng official results ng halalan.
Ito ay ang mga coc mula sa Kingdom of Saudi Arabia at USA.
Hindi natapos ang canvassing kagabi nguni’t posible aniyang isagawa pa rin ngayong araw ang proklamasyon ng mga nanalong senador at partylist groups.
Bago nagtapos ang sesyon ng nboc pasado Alas-8 kagabi, dumating ang coc ng Japan, Abuja Nigeria at Isabela .
Kahapon naman isinagawa ang special elections sa Brgy Dicamay 1 Jones Isabela. Inaprubahan ng comelec En Banc ang pagsasagawa ng special elections doon matapos sunugin ng mga armadong kalalakihan ang mga Vote Counting Machine (VCM) at balota sa naturang lugar noong araw ng halalan.
Hinintay ng NBOC na ma-transmit ang boto mula sa Jones Isabela kagabi dahil may epekto pa rin ito sa kabuoang resulta ng halalan. 762 ang registered voters sa clustered precinct 18 ng Jones, Isabela.
Pinabulaanan din ng poll body na minamadali nila ang proklamasyon ng mga nanalo sa top 12 senatorial slate at mga partylist groups.
“I’d like to point out that we are not the ones hurrying the proclamation. In fact some people are complaining that we are taking too much time. Meron kasi nananawagan ng early proclamation and if you noticed we have resisted that so far.” Ani Comelec Spokesperson, Director James Jimenez.
Mamayang Alas-10 ng umaga ipagpapatuloy ang canvassing sa natitirang dalawang coc na kukumpleto sa 167 coc na dapat mabilang ng nboc para sa paglalabas ng official results ng midterm elections .
(Aiko Miguel | Untv News)
Tags: 2019 midterm elections, Commission on Elections, National Board of Canvassers