METRO MANILA – Binawi na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang itinakdang price ceiling sa bigas.
Ayon sa pangulo, napapanahon na para alisin ito dahil sapat na ang supply ng bigas sa bansa at inaasahang madaragdagan pa ito bunsod na rin ng harvest season.
Tiniyak naman ng pangulo na magpapatuloy ang tulong ng pamahalaan sa mga mahihirap na pamilya at sa mga magsasaka.
“Well I think it’s appropriate time since namimigay tayo ng mga bigas yes as of today we are lifting the price caps on the rice, both for regular milled for well milled, so tinatanggal na natin ang control” ani Pres. Ferdinand Marcos Jr.