Paglalagay ng SRP sa bigas, hindi ikinokonsidera ng DA

by Radyo La Verdad | January 12, 2024 (Friday) | 8057

METRO MANILA – Nilinaw ngayon ng Department of Agriculture (DA) na wala silang planong magtakda ng Suggested Retail Price (SRP) sa bigas.

Sa isang pahayag sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Junior na hindi nila ito gagawin.

Paliwanag ng kalihim, hindi stable o pabago-bago ang presyo ng agriculutural products sa international market dahil sa epekto ng El nino.

Dahil dito hindi nila inirerekomenda ang pag-control sa presyo ng mga ito.

Sa naunang pahayag ng isang opisyal ng DA, sinabi nito na may konsultasyon nang ginagawa ang ahensya hinggil sa posibleng pagtatakda ng SRP sa bigas.

Pero ayon kay Secretary Laurel isa lamang ito sa mga early proposals, batay na rin sa mga remedyong nakasaad sa ilalim ng price act.

Tags: , ,