Ilang manufacturer, suportado ang taas-presyo ng ilang pangunahing bilihin

by Radyo La Verdad | January 26, 2024 (Friday) | 5678

METRO MANILA – Aprubado na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang taas presyo ng ilan sa mga brand ng pangunahing bilihin tulad ng sardinas, gatas at sabon.

Inaprubahan na kamakalawa ng kagawaran ang pagtaas presyo ng syam na pangunahing bilihin na may Suggested Retail Price (SRP), bukod dito, 45 produkto pa ang nagbabadyang magtaas-presyo.

Ayon sa DTI, pinag-aaralan pa nila ito at may ilang dokumento pa na kailangan tingnan kaya hindi pa nila maaprubahan ang inilalapit nitong price adjustment.

Tags: ,