Presyo ng sardinas, hindi magtataas sa kabila ng ipinatutupad na closed fishing season -Manufacturers

by Radyo La Verdad | November 17, 2023 (Friday) | 2385

METRO MANILA – Pagbibigyan muna ng Canned Sardines Association of the Philippines ang pakiusap ng Department of Trade and Industry (DTI) na huwag munang magtaas ang mga ito ng presyo ng kanilang produkto.

Simula na nitong November 15 ang closed fishing season sa Zambaonga Peninsula at Visayan sea.

Sa loob ng 3 buwan ay bawal munang mangisda ang mga malalaking barko o commercial fishing vessels.

Ito’y upang bigyang daan ang pagpaparami ng populasyon ng isda sa lugar hindi lang ng sardinas kundi ng iba pang malalaking isda.

Ayon sa grupo, apektado ang dami ng kanilang nahuhuling isdang tamban ngayon dahil sa climate change.

Kakaunti lang anila ang kanilang naiimbak para sa mga buwan na bawal manghuli ng isda.

Tumaas din anila ang kanilang nagagastos sa panghuhuli ng isda.

Tiniyak naman ng DA sa may sapat na supply ng isda ngayong may closed fishing season.

Noong Oktubre ay pinayagan ang importaryon ng 35,000 metric tons ng iba’t ibang uri ng isda kabilang na ang galunggong.

Tags: , , ,