Presyo ng locally milled rice hindi dapat sumobra ng P48/kl – DA

by Radyo La Verdad | November 15, 2023 (Wednesday) | 1991

METRO MANILA – Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na hindi dapat humigit sa P48 ang presyo ng kada kilo ng locally milled rice.

Ayon kay Agriculture Spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa, nasa P41 per kilo lamang ang kasalukuyang presyo ng regular milled na bigas.

Habang nasa P45 naman ang well-milled rice mula nang mag-umpisa ang panahon ng anihan ng palay.

Giit ng agriculture official hindi dapat lumagpas sa P48 per kilo ang presyo ng bigas hanggang mayroon pang sapat na suplay ang bansa.

Nauna nang ini-report ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) na umaabot sa P7.2 billion na halaga ng bigas ang nasasayang taun-taon.

Kaya naman muling nagpaalala ang mga otoridad sa publiko na kumuha lamang ng sapat na kanin na kayang kainin, at iwasan na mag-aksaya ng pagkain.

Tags: ,