Pres. Marcos Jr., nakauwi na mula sa 6-day working visit sa Amerika

by Radyo La Verdad | September 26, 2022 (Monday) | 2466

METRO MANILA – Bandang alas-6:30 ng umaga kahapon (September 26) nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ang sinasakyang eroplano ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior.

Sinalubong siya ng Armed Forces officials at mga miyembro ng gabinete kabilang na si Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte.

Iniulat ng pangulo ang kaniyang mga naging aktibidad mula sa kaniyang 6 na araw na working visit.

Isa na rito ang kaniyang pagharap sa Filipino community. Gayundin ang main event sa kaniyang trip, ang kaniyang paghahatid ng national statement sa 77th session ng United Nations General Assembly.

Binalikan rin ni PBBM ang pakikipagpulong niya sa ilang lider ng bansa gaya nina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida.

“Our discussions are very productive and the members of the cabinet will now work to operationalize the many cooperations that we identify” ani Pres. Ferdinand Marcos Jr.

Ayon pa sa pangulo, nakipagpulong rin siya sa mga malalaking negosyante sa Estados Unidos.

“I met also with a number of business leaders from different US companies during the week and all of them committed to be part of our development and economic growth together we will be working some of our economic challenges particularly once again climate change, food security, energy security to name the few” ani Pres. Ferdinand Marcos Jr.

Ang huling aktibidad ni Pangulong Marcos Junior bago ang kaniyang pagbalik sa Pilipinas ay ang pagharap niya sa Asia society sa New York City.

Tags: ,