Pres. Duterte sa Toll Regulatory Board: magbitiw sa pwesto kung hindi magagawa ng maayos ang trabaho

by Erika Endraca | December 17, 2020 (Thursday) | 3961

METRO MANILA – Sinisi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagiging incompetent ng Toll Regulatory Board (TRB) sa aberya sa cashless transactions sa mga expressway. Partikular na ang pagpapatupad ng (RFID) System.

Ayon sa punong ehekutibo, kung hindi nila magagampanan ng maayos ang kanilang trabaho, mas mabuti pang magbitiw na lamang sila sa pwesto.

“You know I have to weed out incompetence . do not want you becoming a deadwood. If you cannot perform what is expected of you, for decency’s sake, resign and do not wait to be fired.”ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Para sa pangulo, ang TRB ang dapat na nagtitiyak na maayos ang anumang pagbabagong ipatutupad ng mga toll operator.

Kabilang na dito ang isyu ng RFID Installation system na nagdulot ng matinding traffic jam sa mga expressway.

“Kayong mga regulators, if there are changes, if there are innovations there, let them practice it, ayusin ninyo muna, wag kayo basta papasok-pasok especially if it involves public interest and public safety.”ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Bukod dito, nagpahayag din ng pagkadismaya ang pangulo sa mga toll operators. Aniya, dapat pinaghahandaan at inaayos nila ang kanilang sistema.

“You do not take time to really think about the people who are paying you. And for those na mga gumawa ng toll, mga gumawa niyan, alam ninyo, it behooves upon you to do your best because binabayaran kayo ng gobyerno. Ang tao nagbabayad, nalulugi ilalagay ninyo sa kumpormiso.”ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, naiintindihan naman ni Pangulong Duterte ang naging desisyon ni valenzuela mayor rex gatchalian nang patawan nito ng suspensyon sa business permit ang North Luzon Expressway o nlex corporation noong december 7 dahil sa usapin ng palpak na rfid sensors at iba pang suliranin na nagdulot ng matinding traffic sa lungsod.

Humingi naman ng paumanhin si Transportation Secretary Arthur Tudage sa publiko at mga lokal na pamahalaan bunsod ng aberyang naranasan sa pagpapatupad ng RFID system sa mga expressway at nangakong aayusin ito.

( Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,