Posibilidad ng pag-aatras ng tulong ng United Nations, EU at US, hindi ikinababahala ng pangulo

by Radyo La Verdad | October 7, 2016 (Friday) | 2534

pres-duterte-2
Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang matapos ang suliranin ng bansa sa iligal na droga sa ilalim ng kaniyang termino.

Ginawa ang pahayag sa kaniyang pagbisita sa Police Regional Office 13 sa Butuan City kagabi.

Ito ay upang mailigtas ang buhay ng mga inosenteng mamamayan laban sa sari-saring krimen bunga ng paglaganap ng ipinagbabawal na gamot sa bansa.

Kaya kahit iurong ng European Union, United Nations at United States of America ang kanilang tulong o assistance, hindi nangangamba si Pangulog Duterte.

Ang mga ito ay kilalang kumukwestiyon sa anti-illegal drugs campaign ni Pangulong Duterte dahil sa tumataas na bilang ng drug related killings sa bansa.

Dagdag pa nito, mas mahalaga ang dignidad na iginigiit ng pangulo kaysa sa pangakong tulong ng mga international organization.

Nagbigay din ito ng katiyakan na kakayanin ng pilipinas mag-survive kahit walang assistance mula sa mga organisasyong pumupuna sa gobyerno ng Pilipinas.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,