Nagsimula na ang imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG sa umano’y pagkakasangkot ng ilang pulis sa pagdukot sa dating Iglesia ni Cristo Minister Lowell Menorca II
Ito ay matapos na ipag-utos ito ni Philippine National Police Chief Director General Ricardo Marquez noong lunes.
Gayunman, hinikayat ni P/CSupt. Wilben Mayor si Menorca na pormal na maghain ng reklamo upang magkaroon ng linaw ang isyu at makilala ang mga pulis na umano’y sangkotsa insidente dahil nakakaladkad na ang pangalan ng buong organisasyon.
Ayon kay Mayor, bagamat may moto propio investigation ang PNP sa paghahain ng administrative case laban sa mga pulis na isinasangkot ni Lowell Menorca sa umano’y pagdukot sa kanya, limitado ang kanilang impormasyon upangmapatibay ang kaso hanggat hindi naghahain ng pormal na reklamo si Menorca.
Pinaalalahanan din ng tagapagsalita ng PNP ang mga pulis na miyembro ng INC na ihiwalay ang sariling paniniwala at relihiyon sa pagtupad sa sinumpaang tungkulin . ( Lea Ylagan / UNTV News )
Tags: Lowell Menorca II, P/CSupt. Wilben Mayor, Philippine National Police Chief Director General Ricardo Marquez