Amparo petition, hiniling na i-archive muna habang nasa labas ng bansa si Lowell Menorca

by Radyo La Verdad | March 28, 2016 (Monday) | 3471

RODERIC_ATTY.TRIXIE
Dalawang beses nang hindi nakadalo sa pagdinig ng Court of Appeals sa kanyang Amparo petition si Lowell Menorca mula nang umalis ito ng bansa noong Marso a-seis.

Napilitang umalis ng bansa ang dating ministro kasama ang kanyang pamilya matapos umanong makatanggap ng pagbabanta sa buhay ng kanyang dalawang taong gulang na anak.

Dahil dito, hinihiling ng kanyang abogado na i-archive muna ang kaso.

Ibig sabihin nito, ititigil muna ang pagdinig sa petisyon ngunit maaari itong pabuksang muli kapag bumalik na ng bansa si Menorca.

Giit naman ng abogado ng Iglesia ni Cristo, moot and academic na ang petisyon ni Menorca.

Wala na umano ito sa jurisdiction ng korte dahil umalis na ng bansa ang dating ministro.

Ngunit ayon sa abogado ni Menorca, hindi maaring maging moot ang petisyon.

Submitted for resolution na ang mosyon ng magkabilang panig at ayon sa korte, reresolbahin nila ito sa lalong madaling panahon.

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

Tags: , ,