Lumabas ang isang ulat mula sa NBC News, isang American Broadcast Network na kinukunsidera umano ng pentagon na payagan ang U.S. military na magsagawa ng airstrikes sa Marawi City sa pamamagitan ng drones.
Ito ay bilang tulong sa Pilipinas na sugpuin ang ISIS-inspired Maute terrorist group. Gayunman, itinanggi ng Malakanyang na nagkaroon na ng pagtalakay ang Philippine at U.S. government hinggil sa isyu.
Dagdag pa ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, ni hindi ito nabanggit ng militar nang dumalaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa Marawi City kamakailan.
Kapwa rin itinanggi ng Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines na may pag-uusap na sa kanilang lebel o humiling sila ng ganitong uri ng ayuda sa Amerika.
Tags: duterte, Estados Unidos, Marawi City