Pilipinas tumanggap ng $18M ‘smart weapons’ mula sa US

by Erika Endraca | November 24, 2020 (Tuesday) | 8507

Tumanggap na kahapon (Nov 23) ang Pilipinas ng may $18M na halagang Precision Guided Munitions (PGMs) mula sa U.S., bilang bahagi ng kasunduan na patuloy na magtutulungan upang mapaigting ang seguridad sa rehiyon ng Asia Pacific.

Pagsasakatuparan ito ng pahayag ni President Donald J. Trump kay Pangulong Rodrigo Duterte na tutulungan niya ang Pilipinas sa laban nito kontra terorismo.

Kabilang sa mga kagamitan na ibinigay para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ay ang 100 TOW 2 Alpha Missiles, 12 Improved Target Acquisition System (ITAS), at 24 Mark-82 Bombs.

Ang mga makabagong kagamitang ito ay naibigay sa pamamagitan ni U.S. National Security Advisor Robert C. O’Brien sa Department of Foreign Affairs (DFA), kasama ng ilang matataas ng opisyal ng gobyerno ng Pilipinas.

Samantala, ayon naman kay O’Brien, titiyakin ng US na mabibigyan ng prayoridad ang Pilipinas na makakuha ng bakuna laban sa COVID-19, kapag ito’y nailabas na ng mga kompanyang gumagawa nito sa Amerika.

(Raymund David | La Verdad Correspondent)

Tags: ,