PH Army, suportado ang mandatory ROTC

by Radyo La Verdad | August 15, 2022 (Monday) | 3617

METRO MANILA – Nagbigay ng suporta ang Philipine Army sa panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga mambabatas na gawing priority ang pagpapasa ng tuntunin hinggil sa pagbabalik ng mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) para sa mga mag-aaral ng Senior High School.

Ayon sa tagapagsalita ng ahensya na si Col. Xerxes Trinidad, suportado nila ang panawagan ng kanilang Commander in Chief na ibalik ang ROTC sa ikatitibay ng national defense.

Naniniwala si Col. Trinidad na magiging instrumento ang programang ROTC sa pagbuo ng isang mahusay na reserbang puwersa na makatutulong sa panahon ng digmaan, rebelyon, o iba pang pambansang sakuna tulad ng kalamidad.

Iginiit din niya na nakabatay ang ROTC sa konstitusyon at layon nitong disiplinahin at turuan ng pagiging makabayan ang mga kabataan.

(Jasha Gamao | La Verdad Correspondent)

Tags: ,