Mandatory ROTC, mas maiging ipatupad sa college level – VP Sara Duterte

by Radyo La Verdad | September 30, 2022 (Friday) | 3093

Ipinahayag ni Vice Presiden Sara Duterte na mas maiging ipatupad ang mandatory Reserve Officers’ Training Corps  (ROTC) sa kolehiyo, habang sa basic education itanim ang displina at diwa ng nasyonalismo.

Ayon sa Pangalawang Pangulo nagsasagawa na sila ng inisyal na mga magpupulong kasama ang Commission on Higher Education (CHED) at sa ibang mga mambabatas hinggil sa kung papaano ito ipatutupad.

Mas maganda aniya na ipatupad ito sa kolehiyo dahil kahit noon pa man, sa higher education na ito ipinatutupad.

Sinabi ni VP Sara ang pahayag sa kanyang pagdalo sa komemorasyon ng 6th death anniversary ni dating senador Meriam Defensor Santiago sa Marikina City nitong Sept. 29.

Tags: , ,