Pagpasa sa panukalang buhayin ang mandatory ROTC, tututukan ng Senado sa pagbabalik sesyon

by Radyo La Verdad | April 10, 2024 (Wednesday) | 6457

METRO MANILA – Tiniyak ng Senado na tututukan nito ang pagtalakay at pagpasa sa panukalang buhayin ang mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC).

Ayon kay Senate President Juan Miguel Migz Zubiri, kailangang mabigyan ng pagkakataon ang panukalang batas.

Dagdag nito, hindi na lang aniya sesentro ang bagong mandatory ROTC sa nakagawiang basic military training.

Naka session break ngayon ang Senado at nakatakdang bumalik sa April 29 at isasalang na sa debate sa plenaryo ang panukala sa susunod na buwan.

Tags: ,