Inabot ng alas tres ng kaninang madaling araw ang meeting ukol sa 2016 elections, nina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at PDP Laban President Senador Aquilino Pimentel the third kasama ang ilan pangka-partido.
Ngunit hindi nabago ang naunang desisyon ng alkalde ng Davao na huwag tumakbo sa mataas na posisyon sa susunod na taon
Sa kabila nito umaasa si Pimentel na magbabago pa rin ng desisyon ni Duterte.
Ayon sa Senador, sisikapin pa rin nilang makumbinsi si Duterte.
Nilinaw rin ni Senador Pimentel na matapos ang filing ng certificate of candidacy sa Oktubre ay pinapayagan naman ng Commission on Election na magkaroon ng substitution sa mga kandidato ng isang partido.
Gayunpaman, umaasa ang partido na walang substitution na mangyayari at tuluyan ng kumandidato si Duterte para sa Pampanguluang halalan. ( Bryan de Paz / UNTV News)
Tags: Davao City Mayor Rodrigo Duterte, DP Laban President Senador Aquilino Pimentel IIII