Iniatras ni Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) standard bearer Martin “Bobot” Diño ang kanyang kandidatura sa pagkapangulo matapos itong makatanggap ng liham mula sa Commission on Elections na malaki ang posibilidad na maituring itong nuisance candidate.
Kasabay ng kanyang withdrawal ay pinangalanan ni Diño si Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang kaniyang substitute para sa 2016 elections.
Batay sa patakaran ng Comelec, maaring makapaghain ang isang politiko ng kaniyang certificate of candidacy bilang kapalit ng standard bearer ng isang political party hanggang Disyembre 10.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag si Duterte ukol dito.
Tags: 2016 presidential election, Diño, duterte