PCOO, mas hihigpitan ang screening sa ng mga balitang inilalabas sa Government News Agencies

by Radyo La Verdad | August 16, 2017 (Wednesday) | 1281

Nangako si Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na hihigpitan ang screening ng mga balitang inilalabas nila sa Philippine News Agency. Ito ay matapos ang ilang kapalpakan sa pna na umani ng puna mula sa mga netizen.

Kahapon, kinwestyon ng ilang mambabatas ang mga pagkakamaling ito sa pagdinig para sa 2018 budget ng Presidential Communications Operations Office. Tulad ng mga larawan ng Vietnam soldiers na ikinabit nila sa balita patungkol sa mga sundalong nasa Marawi City.

At nitong nakaraan lang ay ang paggamit nila ng logo ng isang food company sa balitang patungkol naman sa Department of Labor and Employment o DOLE.

Nagpaliwanag naman ang retriever at editor ng PNA na nasa likod ng maling impormasyong ito.

 

(Macky Libradilla / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,