Pangulong Duterte, handang lagdaan agad ang panukalang bubuwag sa Road Board – Malacañang

by Jeck Deocampo | December 19, 2018 (Wednesday) | 10940
Photo: PCOO Facebook

METRO MANILA, Philippines – Inihayag ng Malacañang na agad lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang pagbuwag sa Road Board oras na maisumite ito sa kaniyang tanggapan upang tuluyang maisabatas.

 

“(So we’re saying now that once transmitted, the President will sign the bill abolishing the Road Board?) Yes, that has been the position. (How soon are we going to do this, sir?) As soon as it is given to him,” sagot ni Presidential Spokesperson Secretary Salvador Panelo sa panayam ng media.

 

Suportado ito ng Senado sa kabila ng pagbawi ng Kamara sa proposed Road Board abolition. Paliwanag ni Senate President Vicente Sotto III, nai-adopt na nila noon ang bersyon ng Kamara ukol dito at agad itong naaprubahan sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso. Mananatili aniya ang posisyon ng Senado ukol dito na pinaniniwalaan ng ilang senador na pinagmumulan ng korapsyon.

 

“Dahil hindi na iri-release ng Executive Department ‘yung funding nun…it’s good as abolished. Ngayon kung ipipilit pa rin nila, perhaps somebody should bring it to proper venue,” ani Senate President Vicente Sotto III.

 

Inakusahan naman ni House Minority Leader Danilo Suarez ang mga opisyal ng pamahalaan na nasa likod ng panukalang pagbuwag sa ahensya. Tutol ang minorya sa Kamara na buwagin ang Road Board dahil mawawalan umano ng pondo ang mga ilang mga serbisyo para sa publiko.

 

(Rosalie Coz | UNTV News and Rescue)

Tags: , , , ,