Aprubado na sa committee level ng Senado ang panukalang budget ng Presidential Communications and Operations Office (PCOO) na nagkakahalaga ng 1.4 bilyong piso.
Subalit aabangan pa rin ng Senado kung itutuloy ng Malakanyang ang planong pagbuwag sa PCOO at ibalik ang Office of the Press Secretary.
Ayon kay Senator Joseph Victor Ejercito, executive order na lamang ni Pangulong Duterte ang inaabangan para sa restructuring ng PCOO.
Samantala, binuo naman ng PCOO ang Office for Global Media Affairs. Layon nitong mapaigting ang ugnayan ng PCOO sa international media.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ang Office for Global Media Affairs ang mangangasiwa sa mga concern at tanong ng foreign correspondents hinggil sa anomang isyung kinahakaharap ni Pangulong Duterte at iba pang ahensya ng gobyerno.
Ang mangangasiwa ng Office for Global Media Affairs ay si Jayvee Arcena na isang dating reporter.