PCGG, maaaring pumasok sa isang compromised agreement kaugnay ng umano’y ill gotten wealth ng Marcoses

by Radyo La Verdad | September 7, 2017 (Thursday) | 3287

Hindi na kailangang humingi pa ng dagdag kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte na magbibigay otoridad upang ituloy ang pakikipagnegosasyon sa pamilya Marcos hinggil sa pagsasauli ng mga ito ng bahagi kanilang yaman sa pamahalaan.

Ayon kay Senate Minority Leader Senator Franklin Drilon, may kapangyarihan ang Presidential Commission on Good Government o PCGG sa ganitong uri ng negosasyon. Ngunit aabangan pa rin aniya nila ang magiging panukala na magmumula sa Malakanyang.

Una nang inihayag ng ibang mga senador na nais muna nilang malaman ang detalye ng sinasabing pagbabalik ng umanoy tagong yaman ng mga Marcos. Ito ay upang matiyak na walang mga nakatagong kasunduan.

 

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,