PBBM, inatasan ang gov’t agencies na palakasin ang Senior HS Curriculum

by Radyo La Verdad | February 28, 2024 (Wednesday) | 3724

METRO MANILA – Pinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang Department of Education (DepEd), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at iba pang ahensya na gumawa ng mga hakbang upang mapalakas ang curriculum ng Senior HigSchool para agad na makakuha ng trabaho.

Pinaplano na ngayon na maisama na sa curriculum sa Senior High School ang skills development partikular ang mga piling TechVoc skills na inaalok ng TESDA.

Ayon sa TESDA target ng Marcos government na solusyunan ang mababang antas ng mga estudyante na nakakapasok sa trabaho matapos makagraduate sa Senior High School.

Wala pang tiyak na petsa kung kailan ang implementasyon ng planong ito ngunit ayon sa TESDA nais ni Pangulong Marcos na agad itong maipatupad sa lalong madaling panahon.

Tags: ,