Free online courses ng TESDA, available na rin sa mobile app

by Radyo La Verdad | December 7, 2022 (Wednesday) | 7197

METRO MANILA – Nag-aalok ang Technical Education and Skills Development Authority ng mga online courses sa pamamagitan ng TESDA online program mobile application.

Sa pamamagitan ng mobile app pwede ng idownload ang mga kurso na gustong aralin at mapanood kahit walang internet.

Ilan sa mga kursong ibinibigay ng TESDA ay Bread and Pastry production NC II, Cookery NC II, Food and Beverages NC II, at food processing NC II na maaaring ng ating mga kasangbahay para para kumita  ngayong holiday season.

Sa ngayon, mayroon na ang TESDA ng 150 kurso na may kaugnayan sa agriculture, construction, automotive and land transport, human health o health care, tourism at iba pa.

Para sa mga gustong i-try ang Tech-voc training ng TESDA idownload lang ang TESDA online program mobile app sa google play store o di kaya ay sa app store.

Maliban sa mobile app, accessible din ang mga training course sa e-tesda.gov.ph.

Tags: , ,