Online Job Fair, isasagawa ng Civil Service Commission simula Sept. 18-22

by Radyo La Verdad | September 18, 2023 (Monday) | 1344

METRO MANILA – Isasagawa ngayong araw September 18-22 ng Civil Service Commission (CSC) ang isang online job fair para sa mga nagnanais na magtrabaho sa mga ahensya ng pamahalaan.

Ito ay sa pakikipag-tulungan ng online employment company na job street.com kung saan ipo-post kung anu-anong government organizations ang may job offer at positions na maaaring applyan ng mga interesadong aplikante.

Inaanyayahan ng CSC na makiisa sa online job fair ang mga fresh graduate at iba pa nating mga kababayan na naghahanap ng trabaho.

Ang isasagawang job fair ay bahagi na rin ng selebrasyon ng ika-123 anibersaryo ng Civil Service Commission.

Tags: , ,