CSC magdaraos ng Online Job Fair sa Sept. 18-22

by Radyo La Verdad | August 29, 2023 (Tuesday) | 780

METRO MANILA – Magdaraos ng online job fair ang Civil Service Commission (CSC) sa darating na September 18 hanggang September 22.

Ito ay bilang bahagi ng ika-123 taon ng CSC. Katuwang sa isasagawang online job fair ang jobstreet.com

Kaugnay nito nanawagan si Civil Service Commissioner Aileen Lizada, sa mga ahensya ng pamahalaan at iba pang public offices na mag-post ng kanilang job offers o vacancies sa website ng CSC.

Para naman sa mga nais na mag-apply bisitahin lamang ang website ng Civil Service Commission sa www.csc.gov.ph upang makapag fill-out ng form at makapagsumite ng application.

Tags: ,