DMW, magsasagawa ng Job Fair ngayong araw ng Kalayaan

by Radyo La Verdad | June 12, 2024 (Wednesday) | 567

METRO MANILA – Magsasagawa ng Mega Overseas Jobs fair ang Department of Migrant Workers (DMW), ngayong araw, june 12.

Mag-uumpisa ang job fair, mula alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon, sa ikatlong palapag ng Robinsons Galleria sa Ortigas, Quezon City.

Maaaring magsumite ang mga aplikante ng kanilang ng job application sa 21 licensed agencies na makikibahagi sa aktibidad.

Ilan sa mga alok na trabaho ay mula sa mga sektor ng healthcare, engineering and construction, hospitality, farming, managerial positions, at marami pang iba.

Tags: ,