Voucher para sa mga senior high school sa SUCs at LUCs, pinalawig

by Radyo La Verdad | January 17, 2024 (Wednesday) | 2167

METRO MANILA – Inanunsyo kahapon (January 16) ng Department of Education (DepEd) na palalawigin ang voucher para sa mga Senior High School (SHS) na pumasok sa mga State College at Local Universities

Ayon sa kagawaran, patuloy na magiging benepisyaryo ng Senior High School Voucher Program (SHSVP) ang mga SHS student hanggang sa matapos nila ang kanilang pag-aaral ng Grade 12 sa school year 2024-2025.

Ito ay matapos malaman ng DepEd na may mga Grade 11 pa rin na tinanggap sa mga SUCs at LUCs kahit na nai-isyu na nila ang DepEd order No. 20.

Tags: ,