METRO MANILA, Philippines – Target ng House Committee on Agriculture and Food na maipasa sa Nobyembre ang panukalang batas na magbibigay ng karapatan sa pamahalaan na gamitin ang rice subsidy fund.
Gagamitin ang naturang pondo na pambili ng palay mula sa mga Pilipinong magsasaka para magamit sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s.
Sa ilalim ng joint resolution, sa halip na cash ay bigas na mismo ang matatanggap ng mga 4P’s beneficiaries. Ayon sa Chairman Ng House Committee on Agriculture and Food na si Congressman Wilfrido Mark Enverga, ang mga magsasaka mula sa mga lugar na lubos na apektado ng mababang bilihan ng palay ang unang makikinabang ng pondo.
“Nabanggit nila na mayroon silang sariling study rin nama map out dito kung alin yung mga lalawigan na mas mababa pa yung presyo so siguro dapat makasama yun para makatulong tayo sa farmers.” ani Chairman On House Committee On Agriculture And Food | 1st District Of Quezon Rep. Wilfrido Mark Enverga.
Ayon pa kay Enverga nagkakahalaga ng P2.7B ang Rice Subsidy Fund.
“We’re hopeful na sana magkaroon ng certification from the president para pag resume namin within that day ay kaya narin namin matapos at mapasa na ito, makapag Bicam na kami ng Senate.” ani Chairman On House Committee On Agriculture And Food | 1st District Of Quezon Rep. Wilfrido Mark Enverga.
Sakaling mai-certify as urgent ng Pangulo ang naturang panukala, tiwala si enverga na maipapasa nila ito sa pagbabalik sesyon ng Kamara sa November 4.
(Vincent Arboleda | UNTV News)
Tags: 4Ps, agriculture