Cash grants para sa 700,000 4Ps household, ipagpapatuloy ng DSWD

by Radyo La Verdad | December 6, 2023 (Wednesday) | 5243

METRO MANILA – Ipagpapatuloy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng cash benefits sa 700,000 sambahayan matapos matuklasan na qualified pa rin ang mga ito sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)

Sinuspinde ng DSWD ang benepisyong natatanggap ng 700,000 pamilya habang nakabinbin ang evaluation sa kanilang status noong umpisa ng taon.

Napagpasyahan na ipagpatuloy ang kanilang benepisyo matapos ang evaluation ng DSWD at 2 pagpupulong sa pagitan ng DSWD at ng House Committee on Poverty Alleviation na pinamumunuan ni Congressman Michael Romero.

Pagtitiyak ni Romero, makukuha pa rin ng 700,000 families ang kanilang benepisyo mula noong panahon ng kanilang pagkakasuspinde.

Tags: , ,