Facebook page na DSWD and 4Ps update peke ayon sa DSWD

by Radyo La Verdad | May 8, 2024 (Wednesday) | 1566

METRO MANILA – Pinapaalalahanan ng Department of Social Welfare and

Development (DSWD) ang ating mga kababayan laban sa kumakalat na pekeng account

ng kagawaran na “DSWD and 4Ps update”.

Ito ay hindi totoong account at sa ngayon ay nasa 354,352 na ang mga miyembro.

Pinagmumulan ito ng mga hindi totoong impormasyon at marami na ang mga nabibiktima sa ating mga kapwa. Kaugnay nito, patuloy na nagpapaalala ang DSWD na huwag basta-basta maniniwala sa naka-post sa group na ito at ilan sa mga miyembro dito ay nagpapakalat ng mga maling impormasyon sa program at serbisyo ng ahensya. At para makaiwas na maloko, bisitahin lang ang official accounts ng DSWD at ugaliing mag-verify at magsuri ng mga impormasyong natatanggap bago maniwala.



Tags: ,