Pangulong Duterte at U.S. Secretary of State Tillerson, nagpulong sa Malakanyang

by Radyo La Verdad | August 8, 2017 (Tuesday) | 2192

Nag-courtesy call si United States Secretary of State Rex Tillerson kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang kahapon. Gayundin si Australian Foreign Minister Julie Bishop, kapwa nasa Pilipinas ang dalawa para sa Asean Regional Forum at selebrasyon ng 50th anniversary ng Asean.

Bukod dito, humarap din sa pangulo ang mga ambassador ng mga bansang Chile, Colombia, India at Austria upang ipresenta ang kanilang credentials kay Pangulong Duterte.

Tumanggi ang punong ehekutibo na idetalye kung ano ang napag-usapan sa meeting nito kay Tillerson at Bishop.

Una nang lumabas sa mga balita na isa ang isyu ng human rights sa posibleng talakayin pagpupulong ng mga ito.

Samantala, inihayag ng pangulo na hindi na masyadong nag-iingay ang mga dating kumukwestyon sa human rights situation sa bansa dahil sa kaniyang anti-drug war.

 

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,