Kabilang sa nanumpang bagong talagang opisyal ng pamahalaan sa Malacañang kahapon ang 19 na miyembro ng Consultative Committee na mag-aaral sa 1987 Philippine Constitution.
Layon ng Con-Com na makabuo ng rekomendasyon sa kongreso kaugnay ng panukalang Charter Change o pag-amyenda sa konstitusyon. Target itong matapos sa loob ng anim na buwan.
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, hindi niya pakikialaman ang trabaho ng mga ito. Muli ring binigyang-diin ng Pangulo na handa siyang bumaba sa pwesto kung magkakaroon na ng federal set up sa taong 2020.
Madalas mabanggit ng punong ehekutibo na kailangang magkaroon ng federal form of government upang masolusyunan ang matagal nang conflict sa Mindanao, upang bigyang-daan ito, kailangang amyendahan o baguhin ang saligang batas ng bansa.
Pagkatapos ng oath taking ceremony, isinagawa ang kauna-unahang pagpupulong ng Pangulo sa Consultative Committee.
( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )
Tags: Consultative Committee, duterte, Philippine Constitution