Pangulong Duterte, muling humarap sa publiko matapos ang 6 na araw na kawalan ng public engagement.

by Radyo La Verdad | June 28, 2017 (Wednesday) | 3113


Sa kauna-unahang pagkakataon, pagkatapos ng anim na sunod-sunod na araw hindi pagpapakita sa publiko, muling humarap sa isang pagtitipon si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay sa gitna ng mga espekulasyon na may matinding karamdaman ang punong ehekutibo.

Pinangunahan nito ang isang pagtitipon kagabi sa Malakanyang para sa pagtatapos ng Ramadan o Eid al-Fitr.

Dinaluhan ito ng ilang muslim leader sa pangunguna ni Moro Islamic Liberation Front chief peace negotiator na si Mohaqher Iqbal.

Sa kanyang talumpati, inihayag ng Pangulo ang dahilan kung bakit ito nagdeklara ng batas-militar sa Mindanao na isang predominant Muslim Region.

Ibinunyag din ng pangulo na mayroon siyang mga kaanak na kasama sa bakbakan sa Marawi City.

(Asher Cadapan Jr./UNTV News Reporter)

Tags: , ,