Pangulong Duterte, muling binisita ang mga sundalo at pulis sa Marawi City

by Radyo La Verdad | August 7, 2017 (Monday) | 2106

Ilang araw matapos mabawi ng mga tauhan ng militar at pulisya ang ilang mahahalagang istruktura sa Marawi City na dating pinagkukutaan ng ISIS-inspired Maute terrorist group, muling bumalik si Pangulong Rodrigo Duterte sa ground zero.

Isang oras itong nanatili sa kampo Ranao at mahigpit ang naging bilin sa mga nakikipaglabang sundalo at pulis.

muling binigyang-diin ng punong ehekutibo na kaisa siya sa laban ng mga ito at muling nangakong bubuuin ang 50-bilyong pisong halaga ng trust fund para sa edukasyon ng mga anak ng mga tauhan ng pulisya at militar. Nagbigay din ito ng mga relo at iba pang regalo para sa mga sundalo at pulis.

Ito ang pangalawang beses na bumisita ang punong ehekutibo sa Marawi City, ang una ay noong ika-20 ng Hulyo.

Tiwala si Pangulong Duterte na malapit nang matapos ang suliranin sa Marawi at nangakong maibabalik din sa normal ang buhay ng mga Maranao.

 

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,