Pangulong Duterte, may utos sa militar at pulisya sakaling i-extend niya ang kaniyang termino

by Radyo La Verdad | January 23, 2018 (Tuesday) | 3423

Upang ipakitang hindi interesado sa pagpapalawaig ng kaniyang termino, may ipinag-utos si Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag nang pangunahan nito ang pagtatayo ng tienda para sa mga magsasaka at mangingisda sa Mawab, Compostela Valley kahapon.

Una nang nababanggit ng Pangulo na handa siyang bumaba sa pwesto oras na makabuo ng bagong Saligang Batas na aprubado ng kongreso at taumbayan at matiyak na ang salapi ng publiko ay maipaglingkod din sa mga mamamayan.

Samantala, itatalaga ni Pangulong Duterte bilang bagong administrator ng Maritime Industry Authority si Armed Forces of the Philippines Chief General Rey Leonardo Guerrero.

Siya ang nais ni Pangulong Duterte na humalili sa dinismiss nito na MARINA administrator na si Marco Amaro dahil sa excessive foreign trips.

Una nang pinalawig ni Pangulong Duterte ang tour of service ni Guerrero sa AFP hanggang April 24, 2018.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,