Pangulong Duterte, magbibigay ng ₱2-M pabuya sa makakatugis sa kasabwat na pulis ng mga Parojinog sa Ozamiz City

by Radyo La Verdad | August 10, 2017 (Thursday) | 6155

Plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtungo sa Ozamiz City upang magbigay babala sa mga pulis na nakatalaga doon. Ito ang kanyang pahayag sa pagdiriwang sa ika-116 na taon ng Philippine National Police kahapon.

Ayon sa Pangulo, sisiguraduhin niyang mapapanagot ang mga kasabwat ng pamilya Parojinog sa pagpaslang ng mga tauhan ng militar at pulis na lumalaban sa mga operasyon kontra iligal na droga.  Maging ang mga pulis na sangkot sa mga iligal na gawain at kriminalidad ay hindi aniya palalagpasin.

Nag-alok din ang pangulo ng dalawang milyong piso pabuya sa sinomang makakatugis o makakapagsuplong buhay o patay man sa mga pulis na kabilang umano sa hitmen ng mga Parojinog.

Muli namang nagbigay ng katiyakan sa kaniyang suporta at proteksyon si Pangulong Duterte sa mga pulis na nanguna sa operasyon kontra narco politicians.

 

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,