Pangulong Duterte, hindi sinusupil ang mga kilos-protesta kundi ang mga walkout sa klase – Malacañang

by Radyo La Verdad | February 5, 2018 (Monday) | 3609

Ayaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapabayaan ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral, ito ang paliwanag ng Malacañang kung bakit sinabi ng Pangulo noong nakaraang linggo na bibigyan ng isang taong pribilehiyo ang mga iskolar ng bayan upang huwag pumasok at papalitan ang mga ito ng mga Lumad na nais ng de kalidad na edukasyon.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos mabalitaan na nagwalkout ang ilang mga estudyante sa kanilang klase upang magsagawa ng kilos-protesta.

Binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi ibig sabihin nito ay sinusupil ang karapatan sa malayang paghahayag ng saloobin.

Dagdag pa ng opisyal, ayaw lang ng punong ehekutibo masayang ang pondong inilaan mula sa buwis ng mga mamamayan para sa libreng edukasyon.

Una nang sinabi ng mga militanteng grupo ng mga kabataan na magpapatuloy ang pagsasagawa nila ng malawakang demonstrasyon upang tutulan ang mga polisiya ng administrasyong Duterte.

Gagawin nila ito simula ika-23 ng Pebrero, kasabay ng komemorasyon sa Edsa People Power Revolution.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,