Pangulong Duterte, ayaw makialam sa isyu ng pagkakaroon umano ng nakaw na yaman ni Comelec Chair Bautista

by Radyo La Verdad | August 8, 2017 (Tuesday) | 2028

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang posisyon hinggil sa mga alegasyong ipinupukol ng dating asawa ni Comelec Chairman Andres Bautista laban sa poll chief at umano’y isang bilyong pisong halaga ng nakaw na yaman nito.

Inamin ng punong ehekutibo na nakausap niya ang estranged wife ni Bautista at ipinatawag din sa Malakanyang ang Comelec Chairman upang ayusin ang kanilang problema.

Gayunman, iginiit ng punong ehekutibo na hindi siya makikialam sa isyu lalo na’t kilalang appointee si Bautista ng nakalipas na administrasyon.

Itinanggi niya ring inatasan niya ang National Bureau of Investigation Director Dante Gierran upang imbestigahan ang alegasyon laban sa Comelec Chairman.

Dagdag pa nito, ginawa niya lamang ang kaniyang trabaho ng paunlakan nito ang hiling na makausap siya ng kampo ng nagrereklamong asawa ni Bautista.

 

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: , ,