Nakakuha ng pagkakataon si Pangulong Noynoy Aquino na makausap si Indonesian President Joko Widodo sa 26th ASEAN Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia na nagsimula kaninang umaga.
Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. na nagpahayag ng simpatiya si Widodo sa kalagayan ni Veloso at makikipagusap muna umano ito sa Attorney General ng Indonesia.
“President Aquino talked with President Widodo earlier this morning and appealed for humanitarian consideration for Mary Jane Veloso who was apparently duped into being an unwitting carrier of illegal drugs. He said President Widodo was sympathetic and was consulting with the Indonesian Attorney General on the legal issues,” ayon kay Coloma
Inaasahang muling makikipag-usap kay Pangulong Aquino si Widodo ngayong hapon kaugnay ng nalalapit na execution ni Veloso bukas sa Nukasambangan Island sa Indonesia.
Muli namang hinimok ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda ang mga pilipino na ipanalangin na lamang ang kalagayan ni Veloso habang ginagawa naman ng administrasyong Aquino ang lahat ng paraan para maisalba ang naturang Pinay drug convict sa death row.(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)
Tags: Benigno Aquino III, Edwin Lacierda, Joko Widodo, Mary Jane Veloso, Pres. Noynoy Aquino